Thursday, October 29, 2009

MANNY PACQUIAO ADMITS MARIAN RIVERA IS DESIRABLE BUT..

by: Rose Garcia

More Lumabas ang pagiging natural comedian ng boxing champ na si Manny Pacquiao sa press conference ng sitcom nila ni Marian Rivera sa GMA-7 na Show Me Da Manny.

Ginanap ang naturang presscon sa Jimmy's sa Timog Avenue noong Martes (August 18). Halatang masaya ang mood ni Manny na panay ang pagpapatawa, at biglaan din siyang nagpa-raffle sa mga entertainment press na dumalo.

Halatang enjoy si Manny sa comedy. Ibig bang sabihin nito ay mas enjoy siya pagku-comedy kaysa sa paghu-host kagaya ng ginagawa niya sa Pinoy Records?

"Okay, enjoy kami. Parang kumbaga sa ano, relax lang kami. Para lang kaming magkakapatid kaya enjoy kami," sagot ng tinaguriang Pambansang Kamao.

Nang tanungin ng nahirapan siya sa comedy, tugon ni Manny, “Hindi naman mahirap. Basta kung ano ang natural mo, ilabas mo lang."

MARIAN AS LEADING LADY. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakapareha sila ni Marian, na ayon kay Manny ay talagang napakaganda. Na-"knockout" naman ba siya ng bago niyang kapareha?

"Sa totoo lang, maganda si Marian," sabi ni Manny. "Inaamin ko na napakaganda ni Marian, pero wala akong nakatagong pagnanasa. Humahanga lang ako sa kagandahan or acting niya. Pero higit doon ay wala na, parang kapatid ko siya. Little sister na makulit."

Na-link na si Manny noon sa mga nakaparehang artista, partikular kay Ara Mina nang ginawa nila ang pelikulang Anak ng Kumander. At hindi maiwasang magkaroon ng intriga sa pagitan ng mga artistang ito at ng asawa ni Pacman na si Jinkee Pacquiao.

If ever, may dapat bang ika-insecure rin si Jinkee kay Marian?

"Wala naman, naiintindihan naman niya 'ko. Basta sa sitcom na ito, trabaho lang, walang personalan, trabaho lang," sabi ni Manny.

Hindi naman itinanggi ng boxing champ na sa kanilang mag-asawa, hindi talaga naiiwasan ang may selosan. Mas madalas pa nga raw na si Manny ang nakararamdam ng selos kesa kay Jinkee.

"Alam mo, natural lang naman na may nagseselos sa mag-asawa dahil ang ibig sabihin lang nito, mahal n'yo ang isa't isa. Ang selos naman, nanggaling sa pagmamahal," paliwanag niya.

ENTERING POLITICS. Bukod sa pag-aartista, hindi maikakaila na malapit talaga sa puso ni Manny ang pagpasok sa pulitika. In fact, hindi niya itinatangging maliban sa boxing, politics ang gusto niyang pasukin.

"Alam mo, hindi naman lahat ng panahon palagi tayong boksingero," sabi niya. "Siyempre, iniisip din natin pagretiro natin, wala na akong gagawin. Ang iniisip ko, wala akong gagawin aside from mag-a-acting, mas mabuti pang mag-serbisyo ka sa mga tao, tumulong ka sa mga tao na naghihirap."

Anong pakiramdam niya na maging ang sarili niyang ina na si Mommy Dionisia ay very open na ayaw na niyang lumaban pa siya at gusto'y mag-retiro na siya?

"Mahirap magsabi ng patapos, siguro abangan n'yo na lang... Wala pa naman ang iba. Ito pa lang sa November 14 na fight [kay Miguel Cotto ng Puerto Rico]. Pero hindi pa natin alam kung mag-announce na ba ako ng retirement o hindi pa," aniya.

Between showbiz and politics, ano ang mas malapit sa puso niya?

"Sa akin, ang nasa puso ko talaga, e, tumulong sa mga tao," sagot ni Manny.

JINKEE PACQUIAO TO ENDORSE BELO'S NEW PRODUCTS

by: FIDEL JIMENEZ


The Belo Medical Group has confirmed that Jinkee Pacquiao, wife of Pinoy boxing sensation Manny Pacquiao, would join the roster of its celebrity endorsers soon, GMA News’ 24 Oras reported Wednesday.

In an interview with GMA News reporter Joseph Morong in Sarangani province, Jinkee said Belo will introduce a new weight reduction product and she has been tapped to endorse it.

“Mayroon kasi silang bago ngayon na Belo diet injection so ako ang magiging…," Jinkee said when asked to comment on reports that she has been chosen as Belo endorser.

The Belo Medical Group has confirmed that Jinkee will be their newest celebrity endorser and her billboard will be out within two months.

Jinkee will join the roster of Belo celebrity-endorsers like Lucy Torres-Gomez, Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez and Piolo Pascual.

In her interview aired on GMA's "Showbiz Central" last Sunday, Jinkee declined to divulge the details of her contract with Belo.

“Hindi ko pa muna puwedeng sabihin dahil mag-uusap pa kami. Basta ako, happy ako, proud ako sa sarili ko ‘pag kinukuha nila akong maging endorser. Siguro may potential ako kaya nila ako kinukuha," she said.

Meanwhile, Manny believes that his wife is indeed a model-material.

“Pang-model naman talaga yung asawa ko. Basta, huwag lang siya maging artista," the world’s top pound-for-pound fighter said.

Manny himself has several endorsements tucked under his belt, including a telecommunications company, a liquor product, a muscle pain killer, and a high-profile

Is Jinkee Pacquiao Belo’s latest endorser?




by: Sophia Dedace

Jinkee Pacquiao, wife of Filipino boxing champion Manny Pacquiao, hinted that she might be the new face of Belo Medical Group.

In an interview aired on GMA's "Showbiz Central" on Sunday, Jinkee refused to divulge details on her possible endorsement of one of the country’s high-profile cosmetic and dermatologic clinics.

“Hindi ko pa muna puwedeng sabihin dahil mag-uusap pa kami. Basta ako, happy ako, proud ako sa sarili ko ‘pag kinukuha nila akong maging endorser. Siguro may potential ako kaya nila ako kinukuha," she said.

[I cannot talk about anything yet because I have yet to meet with the people from Belo. All I can say is that I am happy and proud of myself should they get me as an endorser. I guess I have the potential to become one so they tapped me.]

Jinkee’s statement came amid widespread speculations in the showbiz industry that she was tapped to join the roster of Belo celebrity-endorsers like Lucy Torres-Gomez, Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, and Piolo Pascual.

Manny Pacquiao believes that his wife is indeed model-material.

“Pang-model naman talaga yung asawa ko. Basta, huwag lang siya maging artista [My wife has the makings of a model, although I wouldn’t want her to enter showbiz]," the world’s top pound-for-pound fighter said.

Manny Pacquiao himself has several endorsements tucked under his belt, including a telecommunications company, a liquor product, a muscle pain killer, and a high-profile sportswear. - Sophia Dedace, GMANews.TV